IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

B. Gumawa ng isang tula na may apat na saknong at may apat na taludtod tungkai
sa iyong karanasan sa isa sa mga salik na nakaaapekto sa paggawa mo ng
makataong kilos. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gaúng gabay ang pormat
sa ibaba.
.
Mga gabay na tanong sa pagbuo ng iyong tula
Ano ang iyong masasabi sa mgaliyong karanasan tungkol sa salik?
Bakit ito ang naging salik na nakaaapekto sa iyo?
Paano nakahahadlang ang mga salik na ito sa iyo?
Ano ang kahinatnan at pananagutan nito sa iyo?


Sagot :

Answer:

Salik: Pag-abuso, Pag angat, Paglimot sa simula, Pagpapa apekto sa di tama

Titulo:

Paghinto, Pagbalik Sa Dating Ako

Sa patuloy na paglakad sa dilim ay may natagpuang liwanag

Sa patuloy na pagkaligaw ay may mapang nalaglag

Ang tagal ko na rin pa lang naglalakbay

Di napansin na mali na ang binabaybay

Umabuso sa bawat nakakamit na gusto

Hindi na nakikinig nang husto

Nalimutan na rin ang paglingon sa unang tinayuan

Natutong mang apak makalamang lang

Matatapos na ang karera ng mapuna

Daig ko pa ang nanalo sa pandaraya

Pano nga ba umabot sa ganito?

Ah oo nga pala, dahil sa ambisyon ko

Sa malalakas na bulong ng isipan ko

Subalit wala pa pala 'ko sa dulo, maari pang huminto

Kaya ititigil ang paghakbang paabante ng bawat paa

Lilingon sa kaliwa, aatras, at babalik sa simula

Gabay na Tanong:

1. Ang minsanang paglimot sa dating ako

2.Pagkat di ko kailangang limutin ang pinagmulan

Dahil lang sa mga bagay na meron ngayon, ngunit wala nung labis na kailangan

3.Ayaw ko pong tuluyang limutin ang dating ako, na isang araw ikahiya kung sa'n ako nagsimula

4. Kung ipagpapatuloy ko ang pag unlad ng di lumalayo sa dating ako, kung ipagpapatuloy ko ang pagsusumikap ng walang nililimot at binabago sa sarili't pagkatao ko, magiging matagumapay ako na masaya, na kontento