IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
• Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan
• Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba't ibang bahagi ng daigdig:
1. Guarded Globalization - Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
2. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) - Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan.
pa Brainliest po ty
- Dapat makiisa tayo sa mga polisiya ng pamahalaan upang hindi na mgakaroon ng malaking suliranin sa pagharap sa globalisasyon.
- Dapat maging masipag tayo para sa ikakaunlad ng ating ekonomiya.
- Dapat maglaan ng pondo ang pamahalaan sa ating mga negosyante upang makipagsabayan sa mga negosyanteng dayuhan dito sa ating bansa.
- Dapat makiisa tayo sa mga pamamaraan ng pamahalaan kung paano bigyan ng kalutasan ang ganitong mga problema, at galangin natin ang kanilang desisiyon, dahil habang tumatagal mas lalong lumalaki ang problema natin sa globalisasyon at ang unang naapektuhan ay ang aspektong ekonomikal at politikal na nakasalalay dito ang kabuhayan ng mga tao.
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.