IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

ano ang kahulugan ng sarsuela

Sagot :

Ang sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito. Kadalasan ang sarsuela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuela ay pahaplis at pahapyaw lamang.