Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ano ang dalawang uri ng kilos tao

Sagot :

Mayroong dalawang uri ng kilos ng tao. Ito ay ang: kilos ng tao at makataong kilos. Ang kilos ng tao ay tumutukoy sa mga natural na kilos na nagaganap sa katawan ng tao na hindi kinakailangan ng pag-iisip. Sa kabilang banda, ang makataong kilos naman ay ginagamitan ng pagpili, pag-iisip, pananagutan at pagsusuri ng konsensiya.

Dalawang Uri ng Kilos ng Tao

Ang dalawang uri ng kilos ng tao ay ang mga sumusunod:

  1. Kilos ng tao
  2. Makataong kilos

Kilos ng tao

  • Ang kilos ng tao ay kilala rin bilang "Act of Man" sa wikang Ingles.
  • Ang kilos ng tao ay tumutukoy sa anumang kilos na natural at likas na sa katawan ng tao.
  • Hindi na ginagamitan ng isip ang mga kilos ng tao.
  • Wala ring mabuti o masama pagdating sa kilos ng tao.
  • Ang halimbawa nito ay ang paghinga, pagkurap ng mata, pagtibok ng puso, at iba pa.

Makataong Kilos

  • Ang makataong kilos ay kilala rin bilang "Human Act" sa wikang Ingles.
  • Ito ay ginagamitan ng pagkukusa, kalayaan, pag-iisip at kaalaman.
  • Dahil dito, ang anumang makataong kilos ay may kaakibat na responsibilidad at pananagutan.

Iyan ang mga detalye tungkol sa dalawang uri ng kilos ng tao. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:

  • Pagkakaiba ng kilos ng tao sa makataong kilos: https://brainly.ph/question/426011
  • Halimbawa ng pagiging makatao: https://brainly.ph/question/879380 at https://brainly.ph/question/127077