Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ayon sa gobyerno, ano ang covid 19

Sagot :

Answer:

Ano ang COVID-19?

Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng coronavirus SARS-CoV-2. Inaapektuhan nito ang iyong baga, daanan ng hangin at iba pang mga bahagi ng katawan.

Ang mga coronavirus ay mula sa isang malaking grupo ng mga virus na nagsasanhi ng mga karamdaman. Kabilang dito ang karaniwang sipon, severe acute respiratory syndrome (SARS) at ang Middle East respiratory syndrome (MERS).

Ang SARS-CoV-2 ay unang natuklasan sa China at malamang nagmula sa mga hayop. Hindi pa rin malinaw kung paano naapektuhan ng virus ang mga tao. Ang virus ay nagmu-mutate sa paglipas ng panahon dahil binabagayan (adapted) nito ang mga tao. Ang ilan sa mga mutation na ito, gaya ng bagong anyong Delta, ay maaaring kumalat nang mas madali kaysa sa orihinal na virus at nagsasanhi ng mas malubhang sakit.

Mga sintomas ng COVID-19

Kabilang sa mga sintomas ang:

  • bago at lumalalang pag-ubo
  • lagnat
  • pangangapos ng hininga
  • masakit na lalamunan
  • pagbahing at tumutulong sipon
  • pansamantalang kawalan ng pang-amoy o naibang panlasa.

Ang mga sintomas na ito ay hindi naman nangangahulugang ikaw ay may COVID-19. Ang mga sintomas ay kapareho ng ibang mga karamdaman na mas karaniwan gaya ng sipon at trangkaso.

Ang pangangapos ng hininga ay palatandaan ng posibleng pulmonya at nangangailangan ng kagyat na atensyong medikal.

Kung ikaw ay may mga sintomas ng sipon, trangkaso o COVID-19, tawagan ang iyong doktor o Healthline sa 0800 358 5453 at humingi ng payo tungkol sa pagpapasuri.

Paano kumakalat ang COVID-19

Ang COVID-19 ay karaniwang ipinapasa ng isang tao sa ibang tao. Kapag ang nahawahang tao ay humihinga, nagsasalita, umuubo, bumabahing o kumakanta, maaaring magkalat siya ng maliliit na patak-patak na may taglay na virus.

Ang panganib ng pagkalat ng COVID-19 ay mas malaki:

sa mga kulob na espasyo na walang mainam na pagdaloy ng hangin

sa mga lugar may maraming kalapit na mga tao

sa mga kapaligirang may malapitang kontak, gaya ng malapitang pag-uusap, pagkanta, o pagsigaw.

Mas maliit ang panganib sa labas, na may kakaunting mga tao, kung ang mga tao ay may pisikal na distansya sa isa't isa.

Pagprotekta sa iyong sarili at sa ibang tao

Ang mga simpleng hakbang na ito ay maaaring bagalan ang pagkalat ng virus at mapoprotektahan ka, ang iyong whānau, at ang inyong komunidad laban sa COVID-19.

  • Kung ikaw ay may mga sintomas ng sipon, trangkaso o COVID-19, manatili sa bahay at tawagan ang iyong doktor o Healthline nang libre sa 0800 358 5453.
  • Bumahing at umubo sa singit ng iyong siko.
  • Magpanatili ng iyong distansya sa mga tao na hindi mo kakilala.
  • Magsuot ng panakip sa mukha kung kailangan o kung mahirap magpanatili ng pisikal na pagdistansya.
  • Subaybayan kung saan-saan ka nagpunta gamit ang NZ COVID Tracer app o gamit ang detalyadong mga tala.
  • Maglinis o magdisimpekta nang madalas ng pinagsasaluhang mga ibabaw ng mga bagay.
  • Palaging maghugas at patuyuing mabuti ang iyong mga kamay.

Explanation:

Hope it helps^^