Answer:
pa brainliest iiidolo
Step-by-step explanation:
Ang pangunahing dahilan ng pagsakop ng Espanya o ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang pagpapalaganap ng kristiyanismo
Bagaman ay nabubuod sa 3G's (brainly.ph/question/1994111) ang mga dahilan ng pagsakop ng Espanya, mas binigyang importansya parin ng Espanya ang pagpapalaganap sa kristiyanismo. Ito ay mapapatutuhanan sa kilos na ginawa ng Espanya na magtalaga ng mga prayle sa bawat probinsya ng Pilipinas. Isa rin sa magpapatotoo nito ay ang kasalukuyan. Itinuturing ang Pilipinas na isa sa mga bansang ang dominanteng relihiyon ay kristyanismo (brainly.ph/question/86455) . Kung hindi binigyang importansya ng Espanya ang pagpapalaganap ng kristyanismo, marahil ay hindi maituturing na bansang dominante ng kristyanismo ang Pilipinas ().
Samantala, kabilang din ang kapangyarihan at kayamanan sa dahilan ng pagsakop ng mga Espanyol. Noong unang panahon, kapag ang isang bansa ay may maraming nasakop na mga bansa ay tinitingala at tinatanaw na makapangyarihan. At ang Espanya ay maituturing na isa sa mga makapangyarihan noon. Ang Pilipinas bilang isang bansang mayaman sa mga likas na yaman, isa rin ito sa nag-udyok o nagtulak sa Espanya upang sakupin ang Pilipinas.
Ang kapangyarihan at kayamanan ay marahil kabilang sa mga dahilan ng pagsakop ng Espanya, ngunit ang pagpapalaganap ng kristyanismo ay siyang pangunahing dahilan parin ng mga Espanyol sa pagsakop sa Pilipinas.