IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Sa harap ng maraming teorya at pananaw sa pagpapaliwanag tungkol sa
pagkakaroon ng di-pagtutugma ng kasanayan, sa isang banda, at sa
pangangailangan ng mga kompanya, sa kabilang banda, sa bilihan ng
paggawa, ang di-timbang na impormasyon ang nangingibabaw na
paliwanag. Subalit sa lawak ng impormasyong kinakailangan, at sa
magastos na paglikom ng impormasyon, ang mekanismo ng
pagsesenyas sa bilihan ng paggawa na isinasagawa ng pamahalaan ay
maaaring magkulang sa pagsasara ng agwat sa impormasyon. Ang
kakulangang ito ay nagiging lantad kapag lumalabas na ang ganap na
impormasyon ay nangyayari lamang sa aktuwal na kapaligiran ng
trabaho. Sa aktuwal na trabaho, nalalaman ng manggagawa ang mga
hamon sa trabaho samantala ang mga kompanya ay nalalaman ang mga
kasanayan at gawi ng manggagawa sa trabaho. Ang sanaysay ay susuri
sa papel ng iba’t ibang aktor sa bilihan ng paggawa kung papaano sila
tumutugon sa pagsagot sa di-timbang na impormasyon sa pamamagitan
ng pagbabalik-tanaw sa mga mekanismo ng pagsesenyas sa bilihan ng
paggawa na isinagawa ng mga pamahalaang kasapi sa APEC. Mula sa
panig ng suplay, titingnan kung papaano ang mga institusyong
pangsanayan ay nagbabago upang isara ang agwat sa impormasyon.
Mula sa panig ng demand, ipaliliwanag kung bakit ang mga kompanya
ay malamig sa pagsasara ng agwat sa impormasyon sa bilhan ng
paggawa. Ang gastos sa pagsasanay at muling pagsasanay ay napakalaki
para sa mga kompanya. Maliban sa gastos sa pagtugon, ang motibasyon
o dahilan sa pagtatrabaho na hindi lumalabas sa pagsesenyas ay
maaaring magpaliwanag sa pagpapatuloy ng di-pagtutugma.
Explanation:
correct me if i wrong
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!