Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

maikling talambuhay ni andres bonifacio​

Sagot :

Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo na makikita sa sampumpisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala.