IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Tatlong Sitwasyon na Nagpapatunay na Nakaaapekto ang Kamangmangan Masidhing Damdamin, Takot, Karahasan, at Gawi
(sa pananagutan ng tao)
1. May ipinapamahagi ang barangay na relief goods para sa mga residente
nito. Nakaligtaan ng mga mamamayan dito ang pag-obserba sa social
distancing dahil sa labis na pagkatuwa na makakuha ng ipinamimigay na
tulong ng barangay. Sa pagkakataong ito, nawala ang pagkukusa ng kilos
hindi naisip ng mga mamamayan ang posibleng pagkalat ng virus mula sa
mga taong nakasalamuha nila dahil sa pagkasabik na makakuha agad ng
ipinapamahaging ayuda.
2. Nasaksihan ni Jason ang pang-aabuso ng grupo ng kalalakihan sa isang
frontliner. Dahil sa takot niya sa mga sigang kalalakihang ito, pinili na
lamang niya na manahimik sa pag-usisa ng mga opisyal ng kanilang
barangay. Nabawasan ang pananagutan niya sa sitwasyong ito. Nawala
ang kaniyang kakayahang mag-isip nang wasto dahil pinangunahan siya ng
takot.
3. Si Alvin ay labinlimang taong gulang pa lamang. Nakahiligan na niya ang
paglalaro ng basketball tuwing hapon. Ang lugar na kaniyang kinabibilangan
ay nakasailalim pa sa Enhanced Community Quarantine kung saan bawal
pa ang paglabas ng bahay lalong-lalo na sa kanyang murang edad. Sa
sobrang pagkabagot, pinilit niya na makapaglaro ng basketball sa labas. Si
Alvin ay may pananagutan sa kaniyang kilos dahil sa paglabag niya sa ECQ
protocol sa kagustuhan niyang magawa ang bagay na kaniyang
nakasanayan.
Ang mga ito ay nakaaapekto sapagkat mayroong pananagutan
ang tao sa kaniyang ginagawa dahil mayroon siyang kamalayan sa
nangyayari sa kaniyang paligid.
Explanation:
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.