IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula





Answer

Talaga naman na nakakaaliw makinig sa mga tula lalo na sa mga pagbigkas nito ng may damdamin at nakakapag paliwanag kung ano ang ibigpahatid sa pagbabasa



Explanation

sana po makatulong❤❤​


Sagot :

Answer:

Mahalaga ang tamang pagbigkas ng tula upang mas lalong maintindihan ang nilalaman nito, Nakakaaliw din pakinggan ang pagkakaiba-iba ng tono at pagpapahayag ng malinaw na kahulugan.  

Ang Ponemang Suprasegmental ay may malaking bahagi upang mabigyang halaga ang tula. Sa pamamagitan nito, malalaman natin ang makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip,sinisimbolo ito ng notasyong phonemic upang malaman kung ano ang tamang pagbigkas. May tatlong uri ng ng ponemang suprasegmental mahalaga upang maayos at tama ang pagkabigkas ng tula.  

Una nito ay ang diin. Karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Magbabago ang kahulugan ng salita dahil nito. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin.  

Pangalawa ay ang Intonasyon.  Sa pagbaba at pagtaas ng tinig sa nagsasalita, maaring maghuhudyat ng kahulugan ng pahayag. Karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Ang tono naman ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin. Maaaring magkaiba-iba ang punto at tono bagamat iisa ang intonasyon.

Pangatlo ay ang Hinto. Hinto- na ang ibig sabihin ay pagtigil sa pagsasalita. Maaaring huminto nang panandalian habang sinasabi ang isang taludtod, at maaari rin sa katapusan na ng taludtod ang paghinto. Sa pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng taludtod.  

Dahil sa mga uri ng suprasegmental, mas mabigyang halaga ang ikagagalak ang pakikinig at pagbabasa ng tula.

Explanation:

HOPE IT HELPS