IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik lamang.
1. Sino sa mga sumusunod ang tumutupad ng pangako?
A. Si Mario na nagsinungaling para makalusot.
B. Si Laura na dumating sa takdang oras ng pagtitipon.
C. Si Nora na sinasabing papunta na ngunit kagigising pa lamang.
D. Wala sa nabanggit.
2. Bakit mahalaga na makatupad ka sa iyong pangako?
A. Ito ay isang pag-uutos.
B. Ito ay makakasira sa iyong marka.
C. Ito ay makakabawas sa iyong marka.
D. Dahil ang taong responsible ay tinutupad ang kanyang sinasabi.
3. Sinabi ng guro na ikaw ay gagawa ng isang dekorasyon sa entablado para sa
susunod na Linggo ng pagdiriwang sa inyong paaralan. Pumayag ka at
nangako kang ito’y gagawin sapagkat alam mong kayang-kaya mo itong
magawa at mahaba-haba naman ang oras ng paghahanda. Subalit nang araw
na ito ay iyong sisimulang gagawin, ikaw ay nilagnat at hindi makakaya na ito
ay magawa sa araw na iyon. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi mo na lang gagawin.
B. Hindi ipapaalam sa guro na ikaw ay may sakit.
C. Magpapahanap sa magulang ng gagawa ng dekorasyon.
D. Ipaalam sa guro ang sitwasyon, humingi ng paumanhin.
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.