Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Ang mga akdang lumaganap sa panahon ng Espanyol ay nagsimula noong tuluyang bumagsak ang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol noong 1565. Ang mga panitikan ay naimpluwensiyan ng mga ideyolohiya ng mga Espanyol, partikular na ang relihiyon.
Katangian ng Panitikan noong Panahon ng Espanyol:Sari-Saring kaanyuhan at pamamaraanKaraniwang paksa ay PanrelihiyonAng mga panitikan ay halaw sa anyo, paksa at tradisyong KastilaAng mga nilimbag na panitikan ay isinalin sa ibat-ibang Wikang Filipino (Wikang Tagalog, Bikolano, atbp.)
Noong panahon ng mga Espanyol, pinakilala nila ang panibagong sistema ng alpabeto. Binubuo ito ng limang patinig at labin-limang katinig
Patinig a, e, i, o, uKatinig b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, at y
Doctrina ChristianaKauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593; itoy isinulat ni Fr. Juan de PlasenciaNilalaman nito ang mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo87 pahina lamang
Uri ng Panitikan noong Panahon ng EspanyolAwitKoridoDuploSenakuloPasyonMoro-Moro
AwitIsang uri ng tulang romansa na may sukat na labindalawang pantig bawat taludtodPatungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhayAng mga tauhan ay hindi nagtataglay na supernatural na kapangyarihanHango sa tunay na buhay
KoridoIsang uri ng tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtodPatungkol sa kababahalagan o pananampalatayaAng mga tauhan ay natataglay ng supernatural na kapangyarihanHalimbawa ay Ibong Adarna
DuploIto ay ang pagtatalo na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkasGinagamitan nito ng mga salawikain, kawikaan at kasabihanKaraniwang isinasagawa kapag may namatayVillacos lalaking pangunahing tauhanVillacas babaeng pangunahing tauhan
SenakuloIsang uri ng dula na isinasagawa tuwing Mahal na araw na nagsasalaysay sa buhay, pagdurusa at kamatayan ni Hesu Kristo
PasyonIto ay isang naratibong tula na nagsasaad ng buhay ni Hesu Kristo mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang kamatayanFr. Gaspar Aquilino de Belen Unang Pilipinong sumulat at kumanta ng Pasyon
Moro-MoroNagmula sa dula ng Europa, Comedia de capa y espadaIsang uri ng komedyaIto ay nag-ugat sa pakikipag-laban ng mga Espanyol sa mga Muslim
PanunuluyanIto ay isang dulang itinatanghal at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang tirahan nina Maria at Jose sa Bethlehem.
Explanation:
Kung Mali sorry , kinopy ko lng to☺️
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.