Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Answer:
Ang bibe, bibi, itik, o pato (Ingles: duck) ay isang uri ng ibon. Karaniwang tinatawag na bibi o bibe ang mga uring may mapuputing balahibo, samantalang itik naman ang may mga kayumanggi o itim na kulay. Ito ay ibong lumalangoy (waterfowl) na kamag-anak ng gansa at sisne.[1] Ang likás na ninuno ng karamihan sa domestikadong itik ay ang tinatawag na Mallard (Anas platyrhynchos) na mas maliit, mas magaan at may kakayahang lumipad. Ang mga laláking Mallard ay may luntiang ulo at kulay-abong katawan; ang mga inahin ay batik-batik na kayumanggi at itim.