IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

PAGSASANAY | PANUTO: Isulat kung anong uri ng paghahambing ang ibinigay sa bawat bilang

1. Di lubhang malakas ang bagyong Siony kaysa sa bagyong Ulysses.

2. Kapwa mahusay sa pagindak ang kilalang mananayaw na sina Billy at Vhong

3. Si Maja at Aj ay parehong may malusog na pangangatawan

4. Mas maunlad ang istado ng pamumuhay ng bansang Canada kaysa sa Pilipinas

5. Ang motorsiklong Nmax 155 ay malaki laki ng bahagya kaysa sa Aerox 155.

6. Ang salitang maganda at marikit ay salitang magkasingkahulugan

7. Singhusay ng mga hurado ang mga kalahok ng Tawag ng Tanghalan pagdating sa pag-awit

8. Ang presyo ng bilihan noong nakaraang taon ay di-gasinong mataas kumpara sa panahon ngayon

9. Di gaanong mahirap ang buhay dati kaysa ngayong may Pandemya.

10. Mas inaabuso ng ilang ahensya ng gobyerno ang mgamamayan ngayon kaysa noong nakaraang administrasyon.​


Sagot :

Answer:

  1. paghahambing na di-magkatulad
  2. paghahambing na magkatulad
  3. paghahambing na magkatulad
  4. paghahambing na di-magkatulad
  5. paghahambing na di-magkatulad
  6. paghahambing na magkatulad
  7. paghahambing na magkatulad
  8. paghahambing na di-magkatulad
  9. paghahambing na di-magkatulad
  10. paghahambing na di-magkatulad