IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

sa iyong palagay ano ang pagkakatulad ng kultura ng bansang pilipinas sa bansang england tungkol sa politika​

Sagot :

Ano nga ba ang ibig sabihin ng “Kultura”?

Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan.

Ang Kultura sa Pilipinas

Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

“Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.”

Mga Kultura sa Pilipinas:

Wika

Paniniwala

Tradisyon o Kauglian

Pagkain

Sining

Kasuotan

Relihiyon

 

Wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.

Sa Pilipinas, ito ang  mga sumusunod na malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:

Filipino: ay ang pangunahing wikang sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.

Tagalog: sinasalita ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ito ng mga nasa rehiyon sa  CALABARZON AT MIMAROPA. Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.

Ilocano: pangunahing wika ng mga taga HILAGANG LUZON at ginagamit din ng mga taga nasa rehiyon 1 at 2.

Panggasinan: Ginagamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.

Kapampangan: Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang Luzon

Bikolano: Wikang sinasalita ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.

Cebuano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao.

Hiligaynon: Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.

Waray-Waray: Wikang ginagamit sa mga lalawigan sa pulo nf Samar at Leyte sa Silangang Visayas.