Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

papel panlipunan at papel pampolitikal

Sagot :

Answer:

Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw. Ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya ay dapat na pinangingibabawan ng batas ng malayang pagbibigay. Ang malayang pagbibigay na ito na ginagabayan ng paggalang at pangangalaga sa dignidad ng bawat isa ay naipakikita sa pamamagitan ng buong pusong pagtanggap, pag-uusap, pagiging palaging naroon para sa isa’t isa, bukas-palad at paglilingkod ng bukal sa puso, at matibay na bigkis at pagkakaisa.

“Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon”.

Mga karapatan ng pamilya:

1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat ng tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na panustos sa mga pangangailangan nito.

2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at pagtuturo sa mga anak.

3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya

4.  Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal

5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito