Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
I. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng (/) tsek kung ito ay nagsasaad ng pagiging matapat at (x) ekis kung hindi.
1. Sina Liza at Elsa ay matalik na magkaibigan. Sinasabi nila sa isa't sa ang totoo kahit alam nilang masasaktan sila. Ang mahalaga ay ikabubuti nila ito.
2. Nabasag ni Ben ang plorera sa kanilang silid-aralan Walang nakakita sa kanya kaya itinago niya ang totoong nangyari.
3. Ipinagkakalat ni Grace na si Ana ang kumuha sa nawawalang gamit ng kanilang kaklaseng si Ina kahit hindi niya ito nakita na siya talaga ang kumuha
4. Nakapulot ng pitaka si Venancio. Binuksan niya ito at nakitang may pera at mga ID ng may-ari. Agad niyang inihatid ito sa kanilang barangay hall at sila na ang bahala na isauli ito sa may ari
5. Si Mang Carlo ay isang magiting na sundalo. Handang magsakripisyo para sa seguridad ng bawat Pilipino.
6. Ang mgn frontliners ay buong tapang at tapat na ginagawa ang kamlang tungkulin para magamot ang mga biktima ng COVID-19 kahit ito ay delikado para sa kanila.
7. Si Mang Tasyo ay nahalal na punong barangay sa kanilang lugar Ang pundo ng kanilang barangay ay ginagastos para sa pansariling pangangailangan.
8. Si Mika ay labing dalawang taong gulang Ayon sa IATF ay ipinagbabawal na lumabas sa bahay ang mga ito ngunit panay pa rin ang labas nito para makipaglaro sa kapitbahay.
9. Buong pusong inamin ni Malou ang kanyang pagkakamali sa kanyang nanay. Napag-isipan niya na mali ang kanyang ginawa.
10. Lahat ng mga opisyal ng SPG sa Cabugao North Central School ay tumutulong para sa kaayusan at kalinisan ng paaralan.
11. Si Mayor Santos ay ginagawa nang buong katapatan ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng kanyang nasasakupan.
12. Pinagtakpan ni Ella ang kasalanan ng kanyang kapatid para hindi mapagalitan.
13. Nangopya si Mariz sa kanyang katabi para makakuha ng mataas sa kanilang pagsusulit.
14. May gusting bilihin na bagong gamit si Liza kaya nangupit ng pera sa pitaka ng kanyang nanay.
15. Hindi natapos ni Mariz ang proyekto nila sa paaralan dahil nanonood ng Korean Drama. Buong tapang niyang sinabi ang dahilan kung bakit hindi niya ito nagawa.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.