IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

ginawa ko na lahat.. pero bakit ganito? hinintay kita kasi akala ko ma.hal mo pa ako.. pero bakit ganun? bakit nag hanap ka ng bago? may nagawa ba akong mali? pina.asa moko.. di mo man lang sinabi sakin agad... tinago mo pa.. di mo inisip na masa.saktan ako..

Ginawa Ko Na Lahat Pero Bakit Ganito Hinintay Kita Kasi Akala Ko Mahal Mo Pa Ako Pero Bakit Ganun Bakit Nag Hanap Ka Ng Bago May Nagawa Ba Akong Mali Pinaasa Mo class=

Sagot :

Saan nagsimulang magbago ang lahat?

Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?

Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?

Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal

Saan nagkulang ang aking pagmamahal?

Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang

Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?

Ako ang kasama, pero hanap mo siya

At kung masaya ka sa piling niya

Hindi ko na 'pipilit pa

Ang tanging hiling ko lang sa kaniya

Huwag kang paluhain at alagaan ka niya

Saan natigil ang pagiging totoo

Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako?

Ba't 'di mo inamin na mayro'ng iba?

Ako ang kayakap, pero isip mo siya

At kung masaya ka sa piling niya

Hindi ko na 'pipilit pa

Ang tanging hiling ko lang sa kaniya

Huwag kang paluhain at alagaan ka niya

Ba't 'di ko naisip na mayro'ng hanggan?

Ako 'yung nauna, pero siya ang wakas

At kita naman sa 'yong mga mata

Kung bakit pinili mo siya

Mahirap labanan ang tinadhana

Pinapaubaya, pinapaubaya

Pinapaubaya ko na sa kaniya

Explanation:

ok lng yan cheer up po