IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Pahelp
Nonsense and Incomplete will be reported​​​


PahelpNonsense And Incomplete Will Be Reported class=

Sagot :

Answer:

Hi brainly user!

ISAISIP

Panuto : Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang makabuo ang inaasam

1. Mahalaga sa akin ang aking natutunan dahil ito ay makakatulong sa akin upang madagdagan ang aking kaalaman. Ang mga aral na ito ay aking nagagamit sa aking pang-araw-araw na pamumuhay

2. Gagamitin ko ang aking natutunan para sa aking mga gawain, sa aking sarili, sa aking pamilya at sa aking kapuwa narin.

3. Pauunlarin ko ang aking natutunan dahil naniniwala akong magagamit ko ito sa hinaharap at naniniwala akong ito'y aking kailangan.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

Panuto : Sumulat ng isang halimbawa ng balagtasan na nagpapahayag ng iyong sariling opinyon o pananaw hinggil sa paksang iyong napili. Gumamit ka ng mga pahayag na naglalahad ng opinyon at katuwiran ( Maaari mong gawin ito kasama ang iyong kamag-aral. )

PAKSA : Nakatutulong ba ang makabagong teknolohiya sa Pagtataas ng Kalidad ng Edukasyon?

Lakandiwa

Sa mga naririto na mutyang panauhin

Sa mga katunggali at kaibigang giliw

Pinagpalang araw po itong pagbati namin

Sana ay masiyahan sa tulang gagawin

Ako'y isang lakandiwang ngayon ay naatasan

Manimbang ng katuwiran nitong magtatagisan

Ng galing sa pagtula at pangangatuwiran

Sa paksang napili na dapat pagtalunan

Narito ang dalawang magtatagisan

Magtatalo sa iisang paksa lamang

Nakatulong ba ang teknolohiya

Sa Pagtaas ng Kalidad ng Edukasyon?

AKO

Sa panahong moderno teknolohiya'y uso

'Pag hindi mo ginamit sinauna kang tao

'Di uunlad ang isip pupurol kang tao'

'Yan ba ang nais natin upang tayo'y matuto?

Sa daming pagbabago sa mga eskuwelahan

Magpatalot magpahuli'y hindi dapat dahilan

Sapagkat ito'y ugat ng mga kamangmangan

Na puwedeng mauwi sa 'sang kapahamakan

'Pag di natin binago ang nakasanayan

'Di magawang ma-upgrade ng mga nalalaman

Tiyak sa palagay ko pupulutin tayo sa kangkungan

Sapagkat mababaog ang ating karunungan

Kaya't ganang akin, digital ay isulong

Upang ang pag-aaral ay hindi papaurong

Lalo na sa panahong maraming sinusuong

Ang makupad ay talo't iwanang bumubulong

IKAW

Batid siguro natin na sa mahabang taon

Edukasyo'y umusbong ng hindi nakakahon

Kuryente't baterya at hindi naging tugon

Para lang itong leksyon sa bata at maiayon

Ang paaralan nating pintungan ng talino

Na nagmula sa guro na matalinong tao

Na siyang lumikha ng teknolohiya mo

Ano pang dahilan at kaylangang magbago?

Ang mga kaalamang dati nang nalaman

Ngayon ay ikinahon at pinagalaw lamang

Ngunit ang kasipagang tinataglay naman

Ay luma't dati na pagkat repaso lang

Kaya ang aking hiling, digital wag asahan

Upang kaisipan ay lumago ngkcp tuluyan

Ang ating katamaran ay wag gawing sandigan

Matinong edukasyon ang kaylangan ng bayan

PAGNINILAY

Paksa : Ang kalusugan ay Kayamanan ng bawat Pilipino

Para sa akin, kalusugan ay kayamanan. Ang kalusugan ay ating yaman na nagiging dahilan ng ating kaligtasan. Bawat Pilipino ay may angking kalusugan, maaaring masama maaaring mabuti ngunit isa man sa mga ito ay kayamanan. Bakit kaya tinawag na kalusugan ay kayamanan? Dahil kung titingnan, kung wala ang kalusugan wala ring tayong masayang buhay. Kung mabuti ang kalusugan, itoy magdudulot ng kasiyahan. Ang ating kalusugan ay nagbibigay rin ng masaganang pamayanan. Kung lahat ay may mabuting kalusugan, magkakaroon ng masaya, maligaya at matiwasay na pamumuhay. Para sa akin, ang susi sa pag-unlad ng Pilipinas ay ang kalusugan ng bawat Pilipino na tinatawag nating kayamanan.

Sana'y nakatulong po ^^

–Smiling❀♕︎