Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Subukin
Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga kasunod na tanong at gawain sa sagutang papel.
Tumalon ka sa tuwa nang sabihin sa iyong nakapasa ka sa audition ng “Birit Bulilit.” Puspusan kang nag-ensayo upang makuha mo ang magandang puna ng mga hurado at magtaas sila ng pulang panyo tanda ng paghanga.
Dumating ang oras ng iyong pagtatanghal sa nasabing paligsahan. Bumirit ka nang buong husay subalit natapos ang iyong awit na walang hurado ang nagtaas ng pulang panyo. Sa halip na pula ay asul ang kanilang itinaas tanda ng iyong pagkabigo. Sabi ng unang hurado na si Piolo Valdez,
kulang ka raw sa sigla. Ang puna naman ng ikalawang hurado na si Carmi Salcedo, may mga nota na hindi mo naabot. Sinabi ng ikatlong huradong si Kath Padilla, kulang ka raw sa pagbibigay ng damdamin sa awit.
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang iyong reaksiyon nang marinig mo ang puna ng mga hurado? Paano mo tinanggap ang mga puna?
2.Bakit kaya sa palagay mo ay negatibo ang natanggap mong mga puna?
3.Sa iyong palagay, ano ang iyong naging pagkukulang?
4.Ano naman ang iyong gagawin upang sa susunod na paligsahan ay positibong puna ang iyong matanggap?
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.