Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Ano ang dalawang uri ng pinagmulan ng Rome? pasagot pls​

Sagot :

Answer:

Sinaunang Roma

Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa na umiral sa Italyanong Peninsula. Ang maliit na agrikultural na lungsod ay lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo.

Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay naging kaharian, isang oligarkiyang republika at naging malakas na imperyo.

Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat Itim.

Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga barbaro habang ang Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago bumagsak ang kabisera nito sa mga Turkong Ottoman.

Kasaysayan

Ayon sa alamat, ang lungsod ng Roma ay itinatag ng dalawang kambal na sina Romulus at Remus. ipinatapon ang magkambal noong sila ay mga sanggol pa at iniwan malapit sa Ilog ng Tiber. Inalagaan sila ng mga lobo pero noong lumaki na sila, natagpuan sila ng isang pastol at inalagaan din sila ng pastol. Itinatag nila ang bayan ng Roma pero nag-away sila kung sino ang mamumuno dito pero sabi ng mga ilang historyan, ang pangalan lang ng lungsod ang pinagawayan nila. Nanalo si Romulus at namatay naman si Remus at ipinangalan kay Romulus ang bayan ng Roma.

Mga mamamayan

May apat na uri ng mga mamamayan sa Sinaunang Roma. Kabilang sa mga sinaunang Romano ang mga patrisyano, mga plebyano, mga taong pinalaya, at mga alipin.

Ang mga patrisyano ang aristokrasya ng Sinaunang Roma, na umaangkin sa lahat ng mga pribilehiyo at mga kapangyarihang panglipunan. Sumunod sa kanila ang mga plebyano, na ipinanganak bilang malalayang mga mamamayan ngunit may iilang mga kapangyarihan. Kasunod nito ang mga pinalayang tao, o dating mga alipin na may bahagyang kalayaan kaysa mga plebyano. Nasa pinakailalim ng antas ang mga alipin, na may iilang uri ng anumang mga karapatan.

Explanation:

Hope this helped you