IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Lahat ng tao ay may takot Ako si Justin may takot sa halos lahat ng bagay tulad ng pagtayo sa matataas na gusali, dumaan sa madilim na lugar, pagkamatay ng mga mahal sa buhay, nag-iisa malalim na tubig at lahat ng mga reptilya. Alam kong tunog ako ng isang maliit na bata ngunit yon ako. Ang pagkabigo ay marahil ang aking pinakamalaking palagi akong may takot na maaari kong biguin ang aking mga magulang at ng iba. Noong nagtapos ako sa senior high ay nais ng aking mga magulang na kumuha ako ng kursong nursing sa kolehiyo. Para sa akin ay hindi ko ito kaya at hindi ito ang aking hilig Ang masidhing damdamin ko noon ay nagdulot ng kaisipang hindi ako naiintindihn ng aking mga magulang. Sa kabila noon, nag enrol pa rin ako sa Information Technology dahil ito ang hilig ko Gusto kong patunayan sa mga magulang ko noon na napunta ako sa tamang landas at gumawa ng tamang pagpili . Bukod dito palagi kong sinisikap na gawin ang aking makakaya upang maging perpekto sa lahat ng bagay at may mataas na grado. Ngunit dahil sa takot, hindi ako nasiyahan sa aking ginagawa. Naging makasarili at mapagmataas ako. Ang nasa isipan ko lamang ay makatapos ng kurso at nang walang masabi ang aking mga magulang. Subalit, dahil sa aking pagninilay sa aking mga ikinikilos, napagtanto kong kailangan kong makinig sa iba lalong lalo na sa aking mga magulang at baguhin ang aking mga negatibong damdamin gaya ng kamangmangan, masidhing damdamin at takot. Sumulat ng isang salik na nakapekto sa kilos at pasiya ni justine.​

Sagot :

1. Sumulat ng isang salik na nakapekto sa kilos at pasiya ni Justin.

                Ang nakaapekto sa kilos at pasiya ni Justin ay ang kaniyang kagustuhan na kuhanin ang Information Technology at ang hindi niya pagsunod sa opinyon ng kaniyang mga magulang. Nakaapekto rin sa kaniya ang masidhi niyang damdamin na hindi siya maiintindihan ng kaniyang magulang kapag ipinahayag niya ang kaniyang nais.

2. Naranasan mo na ba ang takot at ng masidhing damdamin na nagdulot  ng maling kilos at pasya gaya ni Justin? Ipaliwanag ang iyong sagot.

                Oo, naranasan ko na ang takot na ito. Dahil sa takot kong bumagsak, ako ay puspos na nag-aral at parati ko hinahabol ang mga expectations ng aking mga magulang na napabayaan ko na ang aking sarili.

3. Ano ang natutunan mo sa ginawang kilos at pasiya ni Justin?

                Natutunan ko na hindi masamang humingi ng tulong sa iba at hindi rin masamang sumunod sa kanilang mga payo. Minsan ay para ito sa ating ikabubuti.