[tex] \huge\text\red{answer}[/tex]
Ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesian ay pananakop ng mga bagong lupain dahil dumadami na ang kanilang populasyon mula sa Taiwan.
Explanation:
Ang Out of Taiwan Theory ay nagpapakita sa atin kung paano kumalat ang mga Austronesian sa buong Asya, Oceania, at maging sa Africa. Ang mga Austronesian ay nanirahan ng matagal sa Taiwan, at ng lumaki ang kanilang populasyon ay kinakailangan nilang maghanap ng mga bagong lupain na pwedeng tirahan. Nauna silang dumaong sa Hilagang Luzon, at mula dito ay nagpatuloy sila sa paglalakbay pa-timog upang marating ang iba pang bahagi ng Pilipinas, Indonesia, at mga isla sa Pacific. Narating din nila ang Madagascar sakay ng mga bangka.