IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Panuto: Isulat mo ang iyong pananaw batay sa nabasang teksto.

MAYNILA — Posibleng bumaba na sa 5,000 hanggang 6,000 ang bilang ng mga bagong COVID-19 cases na naitatala kada araw sa bansa sa katapusan ng Oktubre, sabi ngayong Linggo ng OCTA Research Group. Sinabi ni Professor Guido David ng OCTA Research na tuloy-tuloy ang pagbuti ng mga datos sa COVID-19 sa mga nakalipas na araw dahil hindi na umaabot ng 10,000 ang bilang ng mga bagong kaso. Ayon kay David, nasa 0.64 na lang ang reproduction number sa buong bansa at 8,400 ang 7-day average cases. Bumababa na rin aniya ang hospital utilization rate, batay sa datos ng Department of Health. Sa Metro Manila, nasa 47 porsiyento na lang umano ito. Sa kabila nito, mataas pa rin ang intensive care unit (ICU) utilization rate. Ipinagpapalagay ni David na ang mas nakahahawang Delta variant ang sanhi ng marami pa ring ICU cases sa ngayon. Dahil sa pagbuti ng datos, ibinaba na sa Alert Level 3 mula Level 4 ang Metro Manila simula nitong Sabado. Pero nagpahayag ng pangamba ang isang grupo ng mga doktor sa pagluluwag. Ayon kay Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians, tuwing nagluluwag kasi ng restrictions, "medyo may kasamang pagkalimot" ang mga Pilipino sa pagsunod sa health protocols. Iginiit din ni Limpin na puno pa rin ang mga ospital at baka hindi makayanan ng pamahalaan na rumesponde sakaling sumipa ulit ang mga kaso.​


Panuto Isulat Mo Ang Iyong Pananaw Batay Sa Nabasang TekstoMAYNILA Posibleng Bumaba Na Sa 5000 Hanggang 6000 Ang Bilang Ng Mga Bagong COVID19 Cases Na Naitatala class=

Sagot :

Answer:

dapat lang na sumunod ang mga tao sa health protocol