Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Pag-Alam Sa Natutuhan Quarter 2 Week 3
1. Ugaliing kumain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina at sustansiya ang makukuha sa mga ito. Nakatutulong din ito sa pagpapalakas ng ating resistensiya upang may panlaban sa anumang sakit. 2. Ang Boracay Beach ay isa sa ipinagmamalaki ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa lalawigan ng aklan. Taglay nito ang mapuputing buhangin at malinaw na tubig. Maraming Pilipino at dayuhan ang dumarayo dito.
3. Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863. Isinilang siya sa maliit na dampa sa Tondo, Maynila. Ang kaniyang ama ay si Santiago Bonifacio na isang sastre. Ang kaniyang ina ay si Catalina Bonifacio na isang pangkaraniwang may bahay. Tunay na mula sa masa si Andres Bonifacio.
4. Ang Dengue ay maiiwasan kung pananatilihing malinis ang kapaligiran. Palitan nang madalas ang tubig sa plorera. Linisin ang loobat labas ng bahay.
5. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Sa pagbabasa ng aklat ay nadadagdagan ang ating kaalaman at napapaunlad ang pagbasa ng mga salita sa ingles man o tagalog. Ito ang kahalagahan ng aklat. ​