Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at suriing mabuti ang karakter ni Paniki sa pabulang “Ibon Man o Hayop.” Pagkatapos, muling isulat ang pabula na may pagbabago sa katangian, papel o aksiyon ni Paniki. Ibon Man o Hayop Muling Pagsasalaysay ni Arnaldo O. Estareja Noong batambata pa ang mundo, maraming gubat sa mundo. Malinis din ang mga anyong tubig. Dalisay pa ang himpapawid. Isang yugto ng mga panahong iyon ang nagsisimulang digmaan sa pagitan ng mga hayop (madalas na may apat na paa) at ng mga ibon (may pakpak). Maging sila’y hindi nila alam kung bakit, kung kailan at kung paano nagsimula ang kanilang pag-aaway.Upang makatiyak ng panalo, nagsimulang maghikayat ang bawat panig ng kanilang makakasama sa digmaan. Kinausap ng agila ang paniki. “Kailangan namin ang talino mo sa pag-atake sa dilim, sumama ka na sa amin,” himok ni Agila. “Kapain mo nga ang likod ko. Di ba, may gulugod ako? Kabilang ako sa hayop,” ani Paniki. May kaunting lungkot na nadama si Agila nang lisanin niya ang lugar ni Paniki. Sinadya rin ni Leon si Paniki sa yungib nito. “Kailangan namin ng bangis ng mga pangil mo para tiyak na pagwawagi natin laban sa mga ibon. Sumama ka sa amin, paniki,” hikayat ni Leon. Iniladlad ni Paniki ang kaniyang pakpak. “Ayan. Kita mo naman ang ebidensiya. Isa akong ibon,” katwiran ni Paniki. Gusto sanang sunggaban ni Leon si Paniki pero “Sige” na lamang ang naisagot niya bago bumalik ng gubat si Leon. Hindi natuloy ang digmaan sa pagitan ng mga hayop at ng mga ibon. Wala isa man sa kanila ang nakakaalam kung paano, kung bakit at kung kailan nangyari ang ganitong kaganapan. Pero marami sa kanila ang natuwa. Kasunod nito ang kanilang pagkakasundo. Dito dinanas ni Paniki ang malaking problema. Sa pangunguna ni Agila, pinalayas siya ng mga ibon nang tinangka niyang makipagdiwang sa mga ito. Muntik naman silain ni Leon at ng iba pang mga hayop si Paniki nang minsang sumilip siya sa isa nilang pagtitipon. Simula nga noon, ni isa, sa hayop man o sa ibon, wala gustong kumampi kay Paniki. Bawat isa sa kanila’y ayaw na maiugnay ang pangalan sa pangalan ni Paniki.​

Sagot :

Answer:

chapta gusijin woo yu re.

View image Modzgods
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.