IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

sa palagay mo,bakit kaya niya ni rizal ang alok ni bonifacio na kasya sa kulungan​

Sagot :

Answer:

Bakit tinanggihan ni José Rizal ang alok ng mga Katipunero na iligtas siya?

Si Gat José Rizal ay nakilala natin bilang isang bayani, isang martir. Siya ay kabilang lamang sa mga Pilipinong nasawi noong kasagsagan ng Himagsikang Pilipino na sumiklab noong taong 1896. Sa katunayan, siya ang dahilan kung bakit naitatag ni Andres Bonifacio (kasama ang iba pa) ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, sa Maynila. Dahil nga siya ang kinikilalang inspirasyon ng mga Katipunero, siya ang tinaguriang honoraryong pangulo ng samahan, kung saan lahat ng mga ito ay ginamit na ebidensiya ng mga Kastila laban sa ating kinikilalang pambansang bayani.

Isang patunay na labis na kinalugdan ng mga Katipunero si Rizal ay ang mga tangka nitong pagligtas sa bayani at saka pagsangguni ng mga ito sa kanya kung sisimulan na ba ang himagsikan. Subalit, sa kabila ng ginawang ito ng mga Katipunero, ang mga sinagot ni Rizal ay iisa lamang ang kahulugan: pagtanggi. Bakit kaya? Maipapaliwanag iyan sa dalawang dahilan.

Una, dahil sa "palabra de honor" (salita ng karangalan). Sa ibang salita, may hiya si Gat José Rizal. Ayaw niyang sa kanya ipinuubaya ang pasya na dapat gawin ng nararapat. At isa pa, nahihiya siya sa mga Katipunero sa mga tangka nilang pagligtas sa kanya. Kung nagbalak daw siyang tumakas, naisakatuparan na raw niya iyon mula pa noong siya'y nasa Dapitan.

Ikalawa, sadyang kontra sa himagsikan ang kaisipan ni Rizal. Sa isang akdang isinulat ng bayani noong ika-15 ng Disyembre, 1896, sinabi niyang ayaw niya na dumanak ang dugo. Ginagawa raw niya ang abot ng kanyang makakaya upang pigilan ang umuusbong na himagsikan. Masyado raw "kriminal" kasi ang kalikasan ng isang rebolusyon. Patunay ito sa sinabi ni Rizal na siya'y sumapi sa Kilusang Propaganda (isang kilusang humihingi lamang ng reporma sa mapayapang paraan).

Isa pang pagtutol ni Rizal sa pagsiklab ng himagsikan ay ang noong pagbisita sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang isangguni sa bayani kung puwede na raw ba magsagawa ng himagsikan. Ayon sa gunita ni Valenzuela, hindi sumang-ayon si Rizal dito sapagkat hindi pa raw handa ang mga Pilipino at muli, ayaw niya raw dumanak ng dugo.

Sa maikling salita, iniisip ni Rizal na hindi rebolusyon ang sagot.

Hindi dahil sa tutol si Rizal sa himagsikan ay parang siya'y nagiging "kontrabida" na. Kung susuriin, ayaw niya lang lumaganap ang himagsikan dahil ayaw niya ng dahas. Gusto niya lang ng mapayapang paraan ng pagkamit ng pagkamagaang-loob sa atin ng mga mananakop, sapagkat noon pa man ay alam na niyang sila'y mapang-api. Sa ibang salita, ayaw niya tapatan ng dahas ang marahas na pang-aapi ng mga Espanyol sa atin. Kundi, imbes na gumanti ng patas, siya'y nagpakumbaba.

Sanggunian:

https://nhcp.gov.ph/jose-rizal-and-the-revolution/

#BakitTinanggihanNiRizalAngMgaKatipunero