Answer:
Noong Enero 23, 2013, ginunita ang ika-114 Anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas. Ito ay isang tanda sa ating kasaysayan: ang pagpapasinaya ng Unang Republika sa Malolos, Bulacan na siya ring kasabay ng pagiging Pangulo ni Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng bansa. Bunga ang Republika ng Malolos ng Rebolusyon—mula sa pagkakabuo ng Katipunan hanggang sa paglikha ng Unang Konstitusyon at Republikang Pamahalaan ng Asya. Bilang pag-alala, idineklara ni Pangulong Benigno S. Aquino ang Enero 23 ng bawat taon na “Araw ng Republikang Filipino, 1899” sa bisa ng Proklamasyon Blg. 533, s. 2013.
Explanation:
Yan po hope tama. sagot ko