Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Gawain 1 Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Si Kakay ay isang makalat na bata. Balewala sa kanya ang kalat na kanyang tinatapon sa kahit saanmang lugar. Buong araw siyang naglalaro sa dumihan kung kaya't puno ng gamol ang kanyang katawan. Ang kanyang ama ay isang anluwage na pinapatawag ng karamihan para gumawa o kaya'y magkumpuni ng bahay. Dahil pumanaw na ang ina ni Kakay, pagal man sa trabaho sa buong araw ay matiyagang tinitipon ang lahat ng kalat ng kanyang anak. Hindi naglaon, nagkasakit ang ama ni Kakay dahil sa sobrang pagod. Wala nang maglilinis ng kalat niya. Nagbara na ang kanilang kanal dahil sa kalat na kanyang itinatapon Isang gabi, bumuhos ang napakalakas na ulan. Pagkagising niya sa umaga, binaha ang lugar nila. Ang mga kalat na kanyang itinapon ay pumasok sa kanilang bahay. Nagulantang siya sa mga pangyayari. Nagsisi siya. Pagkahupa ng baha, dali-dali siyang tumulong sa paglilinis ng kanilang bahay at ng kanilang barangay. Mula noon, hindi na nagkakalat si Kakay. Mas malinis na siya ngayon at higit na matulungin sa kanyang ama. Sinulat ni: Irish Kay Gico Mga Tanong: 1. Sino ang mahilig magkalat sa kuwento? 2. Ano ang trabaho ng kanyang ama? 3. Bakit nagkasakit ang ama ng bata? 4. Paano nagbago ang bata sa kuwento? 5. Dapat bang tularan si Kikay? Bakit? 6. Ano-ano kaya ang maaaring mangyari kapag tayo ay mahilig magkalat? ​