Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ang Lungsod ng Pasig (Ingles: Pasig City) ay isa sa mga lungsod. na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ang datingkabisera ng lalawigan ng Rizal mabuo ang Kalakhang Maynila. Matatagpuan sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, ang Pasig ay napapaligiran sa kanluran ng Lungsod ng Quezon at Lungsod ng Mandaluyong; sa hilaga ng Lungsod ng Marikina; sa timog ng Lungsod ng Makati, bayan ng Pateros, at Lungsod ng Taguig; at sa silangan ng Lungsod ng Antipolo, bayan ng Caintaat Taytay ng lalawigan ng Rizal.Ang Pasig ay isang lungsod panirahan at pang-industriya subalit unti-unti na itong nagiging isang lumalagong pangkalakalan(commercial) na lugar. Dahil nga dating kabisera ng Rizal, ang dating pamahalaang lalawigan ng Rizal ay makikita rito, sa dulo ng Shaw Boulevard.Sa loob ng bayan nito ay matatagpuan ang Katedral ng Immaculada Concepcion, isa sa mga pinakalumang simbahan sa kalakhang Maynila. Ang lungsod ng Pasig ay isa sa tatlong munisipalidad na itinalaga ng diyosesis ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas (bilang Katoliko Romano diyosesis ng Pasig).
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.