IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Si Osang at si Leona

Isang araw, namasyal ang usang si Osang sa Kagubatan. Bigla siyang dinamba ng leong si Leona. Nakiusap si Osang na huwag siyang kainin. Nag-isip ng paraan si Osang kung paano siya makakawala.

“Bago mo ako kainin ay may ipagtatapat akong lihim sa iyo”, ang sabi ni Osang. “Anong lihim ang ipagtatapat mo?” tanong ni Leona. “Pakawalan mo muna ako at sasabihin ko sa iyo”, ang sabi ni Osang. “Alam mo, sa paglubog ng araw mamaya ay magugunaw na ang mundo. Lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa ay mawawala, ngunit may paraan ako upang ikaw at ako ay makaligtas.” sabi pa ni Osang. “Anong paraan upang ikaw at ako ay makaligtas. Anong paraan ang gagawin mo para tayo makaligtas? “ ang tanong ni Leona. “Sumama ka sa akin sa punong iyon”, yaya ni Osang. Nang marating nila ang puno, inutusan ni Osang si Leona na sumandal sa puno, pagkatapos ay kumuha siya ng baging at itinali niya si Leona nang mahigpit sa puno. “Hoy! paano ako makaliligtas dito?” nagtatakang tanong ni Leona. “Hintayin mo lamang ang paglubog ng araw at diyan tiyak ligtas ka”, tugon ni Osang.

“Pakawalan mo ako rito”, ang galit na galit na sabi ni Leona. Pangiti-ngiti lamang na umalis si Osang. Walang nagawa si Leona.

Question's:
1.Bakit dinamba ni Leona si Osang? Anong katangian mayroon si Leona?
2.Anong paraan ang naisip ni Osang upang siya ay makaligtas kay Leona? Anong katangian ang taglay ni Osang?
3.Tama ba ang ginawa ni Osang na itali si Leona sa puno? Anong katangian ang ipinakita ng mga tauhan sa kuwentong napakinggan?
4.Kung ikaw si Osang, ganoon din ba ang gagawin mo? Bakit?
5.Ano ang mahalagang mensahe para sa iyo ng pabula?


Sagot :

Si Osang at si Leona

========================

1. Bakit dinamba ni Leona si Osang?Anong katangian mayroon si Leona?

  • Dinamba ni Leona si Osang upang kainin.Siya ay matapang.

2. Anong paraan ang naisip ni Osang upang siya ay makaligtas kay Leona?Anong katangian ang taglay ni Osang?

  • Nilinlang ni Osang si Leona upang makaligtas.Si Osang ay isang Matalino.

3. Tama ba ang ginawa ni Osang na itali ai Leona sa puno?Anong katangian ang ipinakita ng mga tauhan sa kuwentong napakinggan?

  • Tama lang ang ginawa ni Osang na itali si Leona upang makaligtas sa kapahamakan.Ang mga katangian na kanilang ipinakita ay ang pagiging matalino,mapamaraan,at ang pagiging matapang.

4. Kung ikaw si Osang,ganoon din ba ang gagawin mo?Bakit?

  • Opo,gaya ni Osang ay mag-iisip din ako ng paraan upang ako ay makaligtas.

5. Ano ang mahalagang mensahe para sa iyo ng pabula?

  • Ang mahalagang mensahe ay ang maging mapamaraan.

========================

Karagdagang Impormasyon:

  • Ano ang pabula?Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan ay mga hayop ang gumaganap, nagsasalita at nag-iisip tulad ng isang tao.

========================

#CarryOnLearning

#BrainlyChallenge2021