IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

Sumulat ng tula tungkol sa Bolunterismo, Pakikilahok at Katarungan.
sariling gawa dapat.


Sagot :

Answer:

"BOLUNTERISMO, PAKIKILAHOK AT KATARUNGAN"

Ano nga ba ang silbi ng salitang bulontarismo?

Kung maraming tao ang ayaw gawin ito

Sa kadahilanan na masasayang ang oras nila dito

At walang mapapala sa programang ito

Isa lang naman ang gusto ko

Ang makiisa at tumulong kayo  

Na may kusa at hindi labag sa loob niyo

At tumulong sa kapwa nating tao

Hindi ba kayo nasisiyahan pag may natutulungan?

Lalong lalo na sa mga nabaon nating kababayan

Na hindi kayang umahon  

Sa kanilang paghihirap ngayon

Pakikilahok sa mga programang pang sambayanan

At pag bulontarismo sa taong nangangailangan

Na walang walang malalapitan

Kundi tayong may kakayahang silay tulungan

Wag mawalan ng pag asa  

Basta sa gawain ay mag kaisa

Pakikilahok ay palanagapin sa buong masa

At tulungan makahon ang bawat isa

Noong mga panahon na akoy wala pang kaalaman

Sa kalikasan akoy walang pakialam

Pagkat ang basura ay tinatapon lang kung saan saan

Kaya sa kalamidad maraming tao ang nahihirapan

Sa kalamidad maraming nasaktan

Dahil na udlot ang kanilang matamis na pagmamahalan

Dahil sa hagupit na tinamo natin sa kalikasan

Na walang ibang masisisi kundi tayong taong maykagagawan

Aking napagtanto sa aking isipan

Dapat na tumulong sa ating bayan

Nang sa gayoy wala ng kababayang mahihirapan

Sa nagawa nating kasalanan sa ating kalikasan

May kasagutan lahat ng ating paghihirap

Gaya ng pakikilahok sa programang panlipunan

Programang itoy makakatulong sa mithiing pinapangarap

Na maging maayos ang ating bansang kinabibilangan

Ang ating lipunan na sadyang kay gulo

Balang araw ito at magbabago

Kung tayo ay magtutulungan at makihalubilo

Nang ang ating bayan ay lumago

Kung tayo ay magtulong tulongan

Gaganda ang ating kalikasan  

At makakamit ang kaginhawaan

Sa mga taong nalulung sa kadiliman

Explanation: