Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Isulat ang MP kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng may pananagutan, WP kung walang pananagutan, at NAP kung nabawasan ang pananagutan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10.
__________1. Palaging huli sa pasok sa eskuwelahan si Jules dahil palagi siyang matagal gumising sa umaga .
__________2. Binugbog ni Hugo ang isang kaeskwela dahil inutusan siya ng isang leader ng gang at binantaan siya na bubugbugin kung hindi niya susundin.
__________3. Napasigaw si Cristy ng malakas habang nagtuturo ang guro dahil may nahulog na butiki sa kanyang mukha.
__________4. Itinago mo at hindi na isinauli ang pitakang naiwan ng iyong kaklase sa inyong silid aralan.
__________5. Habang naglalakad sa makipot na eskinita inabangan si Mar ng holdaper at sapilitang kinukuha ang kanyang pitaka at celfon. Tumakbo ngunit inabutan siya kaya’t napilitan siyang lumaban lalo na ng nakita niya na bumunot ito ng kutsilyo. Natiyempuhan niya ang malaking kahoy at buong lakas na inihampas sa holdaper na naging sanhi ng pagkalugmok nito at pagkabagok ng ulo sa pader na semento.
_________6. Binasag ng taong wala sa matinong pag-iisip ang mamahaling banga sa may bukana ng hotel.
_________7. Hindi mo naipasa sa takdang oras ang iyong proyekto dahil walang nakapagsabi sa iyo at wala kang alam sa napagkasunduan ng iyong guro at mga kaklase.
__________8. Sa sobrang saya dahil sa pagkapasa sa Board Exam ay napakayap si Eman sa kanyang katabing babae.
__________9. Napasipol ng malakas si Abner nang may napadaan na magandang dalaga.
__________10. Pagmumura (pamalikas) ng manlalaro sa tuwing sumimplang siya sa pagpalo ng bola.​


Sagot :

Answer:

1.NAP

2.WP

3.NAP

4.WP

5.NAP

6.NAP

7.NAP

8.WP

9.WP

10WP