Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

5. Alin sa mga sumusunod na mga dahilan ang HINDI kabilang kung bakit nasakop ang Pilipinas ng Spain?

A. Ang mga Pilipino ay kinaibigan ng mga pinunong Espanyol.

B. Ang mga Pilipino ay kulang sa kasanayan sa pakikipaglaban.

C. Ang mga Pilipino ay naging mananampalataya ng Kristiyanismo.

D. Aag mga Pilipino ay kilanig sa pagkakaisa sa kanilang mga sarili

6. Ano ang benepisyong nakuha ng mga Pilipino mula sa reduccion o sapilitang paglipat ng pook tirahan na ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa?

A. Sila ay naging matapat at mas relihiyoso.

B. Napagtanto nila ang hirap ng paghahanap ng pagkain.

C. Mas naging masunurin sila sa mga misyonero at pinunong Espanyol.

D. Napagtanto nia ang halaga ng pagkakaroon ng permanenteng tirahan.

7. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang naging suliranin ng mga misyonerong Espanyol sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo Alin dito?

A. Dahil sa iba't ibang uri ng hanapbuhay ng mga Pilipino.

B. Dahil sa kawalan ng panahon ng mga misyonero para dito.

C. Dahil sa magkaaway ang mga pinuno ng bawat barangay.

D. Dahil sa magkalayu-layo ang tirahan ng mga katutubong Pilipino.

8. Ang reduccion o sapilitang paglipat ng pook tirahan ay isa sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang pananakop. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing dahilan ng pagpapatupad nito sa bansa?

A. Upang mabantayan nang mabuti ang mga katutubo.

B. Upang mapanatili ang kaayusan ng bawat pamayanan.

C. Upang mapadali ang paghahanapbuhay ng mga Pilipino.

D. Upang madali ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.

9. Ang sumusunod na pahayag ay naging ugali ng mga Pilipino bilang bunga ng impluwensiya ng pagpapakilala ng Kristiyanismo sa bansa MALIBAN sa isa, alin dito?

A. Ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa

B. Ang pagkakaroon ng isang asawa lamang

C. Ang pagiging mapagkawanggawa sa kapwa at simbahan

D. Ang pagkatuto ng bisyo tulad ng sugal at pag-inom ng alak

10. Piliin dito sa mga pahayag ang paraang ginawa ng mga misyonerong Espanyol upang makuha ang loob ng mga katutubong Pilipino na mapalapit sa simbahan?

A. Pagkaroon ng mga pamihhan malapit sa simbahan.

B. Pagdaraos ng mga panrelihiyon na pagdiriwang.

C. Pagbibigay ng gantimpala sa mga nagsisimba.

D. Pagpatayo ng maraming simbahan.

11. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang ibig sabihin ng salitang reduccion?

A. Sapilitang pagtatrabaho

B. Sapilitang pagkolekta ng buwis

C. Sapilitang paglipat ng pook tirahan

D. Sapilitang pagtanggap ng Kristiyanismo​