Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Kasagutan:
Haring Minos
Ang Minos ay isang hari sa isla ng Crete, siya ang anak ni Zeus at Europa. Sikat siya sa paggawa ng isang matagumpay na code ng mga batas. Pagkatapos ng kanyang kamatayan ay naging isa sa tatlong hukom ng mga patay sa underworld si Haring Minos. Sa panahon ng kanyang pamamahala, ang Crete ay naging matagumpay at nagkaroon ng isang mahusay na sistema ng edukasyon.
Nakipagsiping si Queen Pasiphae na asawa ni Haring Minos sa isang toro na ipinadala ni Zeus, at nagbunga ng isang supling na Minotaur, isang nilalang na kalahating tao at kalahating toro. Para kay Haring Minos ay isa itong kahihiyan, ngunit ayaw nitong paslangin ang Minotaur, kaya itinago niya ang halimaw sa Labyrinth na ginawa ni Daedalus at Icarus.
#AnswerForTrees
Answer:
Haring Minos
- Si Haring Minos ay ang Hari ng Crete. Ipinangalan sa kaniya ang kauna-unahang kabihasnang Aegean, Ang kabihasnang Minoan. Sinasabing si Haring Minos ay may palasyo sa Knossos at may ipinagawang Labyrinth (maze) palabas. Ipinagawa no Haring Minos ang Labyrinth kay Daedalus.
Sa Mitolohiya, Si Haring Minos ay ang bunga ng pagmamahalan ni Zeus at ng isang Princesa ng Phoenician. Nakuha ni Minos ang trono sa pamamagitan ni Poseidon. Sa pagkamatay ni Minos ay naging hukom siya ng mga namatay sa underworld.
#AnswerForTrees
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.