IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Paano sumasama at bumubuti ang isang tao??

Sagot :

Sumasama ang isang tao kapag marami ring nakapalibot sa kanyang masasamang tao dahil maaari siyang aimpluwensiyahan ng mga ito. Pwede ring maging dahilan ang paghihiganti, at dahil nga sa nakalimutan na niya na ang importante ay ang pagpapatawad sa isang tao, gumagawa na siya ng maling bagay upang makapaghiganti. Pwede ring maging dahilan ang mga hindi magandang nangyari sa isang tao, maaari siyang manisi, lalo na sa ating Panginoon, at talikuran ito kaya gumagawa na siya ng mga maling bagay, na nagpapasama sa kanya.

Bumubuti ang isang tao sa pamamagitan ng tulong ng kanyang mga magulang at kaibigan, maaaring disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak at turuan ng mabuti, gayun din ang mga kaibigan, pwede silang magbigay ng payo na makabubuti para sa tao para ito ay bumuti. Isa pang paraan para bumuti ang isang tao ay ipaalala sa kanya ang Diyos, na nagbigay buhay at nagmahal sa kanya. 

:)