Imcyidn
Answered

IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

ano ang ibig sabihin ng lantay,pahambing ay pasukdol

Sagot :

Ang lantay ay naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip.
  
   Halimbawa:
 
      · Ako ay maliit.

Ang pahambing ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pang-uring pahambing:
 
   Pahambing na pasaholPalamang - ito ay nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng isa sa dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas, lalong, di gaano, di gasino, at iba pa.
 
      Halimbawa:
 
         · Mas maliit si Tey kaysa sa akin.
 
    Pahambing na Patulad - ito ay nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim, magsing, kasing o ng mga salitang kapwa, pareho.
 
   Halimbawa:
 
      · Si Tey at Fey ay magsingliit.

Ang pasukdol ay nagpapakita ng pinakamatinding katangian sa paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip.
 
   Halimbawa:
 
      · Ako ang pinakamaliit sa kanilang lahat.

--

--Have a buoyant Saturday--