Tuklasin ang mundo ng kaalaman at mga sagot mula sa komunidad sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Ang Universal Declaration of Human Rights ay binubo ng 30 artikulo na pinagtibay sa Paris noong December 10, 1948. Isa itong importanteng dokumento na nagdedeklara sa mga pangunahing karapatang pantao na syang magiging gabay ng mga miyembrong bansa ng United Nations. Ang deklarasyon na ito din ay naisalin sa mahigit na 500 na mga wika. Naging basehan ang UDHR ng Konstitusyon ng Pilipinas.
Nasa baba ang pinaikling Tagalog na salin ng tatlumpong artikulo na mula sa OHCHR.
Artikulo 1
Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.
Artikulo 2
Ang bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa Pahayag na ito.
Artikulo 3
Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili.
Artikulo 4
Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipagbabawal ang ano mang anyo ng pang-aalipin at ang pangangalakal ng alipin.
Artikulo 5
Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit,di-makatao o nakalalait na pakikitungo sa parusa.
Artikulo 6
Ang bawat tao'y may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas.
Artikulo 7
Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan sa walang pagtatangi ng pangangalaga ng batas.
Artikulo 8
Ang bawat tao'y may karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng saligang batas o ng batas.
Artikulo 9
Walang sino mang ipaiilalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon.
Artikulo 10
Ang bawat tao'y may karapatan sa ganap na pagkakapantay-pantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya.
Artikulo 11
Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala.
Artikulo 12
Walang taong isasailalim sa di-makatwirang panghihimasok sa kanyang pananhimik, pamilya, tahanan o pakikipagsulatang ni sa tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting pangalan.
Artikulo 13
Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga hanggahan ng bawat estado.
Artikulo 14
Ang bawat tao'y may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig.
Artikulo 15
Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pagkamamamayan.
Artikulo 16
Ang mga lalaki't babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilangan o relihiyon.
Artikulo 17
Ang bawat tao'y may karapatang mag-angkin ng ari-arian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba.
Artikulo 18
Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon.
Artikulo 19
Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag.
Artikulo 20
Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan.
Artikulo 21
Ang bawat tao'y may karapatang makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa, sa tuwiran o sa pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili.
Artikulo 22
Ang bawat tao, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagang panlipunan at nararapat na makinabang sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap at pakikipagtulungang pandaigdig.
Artikulo 23
Ang bawat tao'y may karapatan sa paggawa, sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay, sa makatarungan at kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban sa kawalang mapapasukang hanap-buhay.
Artikulo 24
Ang bawat tao'y may karapatan sa pamamahinga at paglilibang, kasama ang mga makatwirang pagtatakda ng mga oras ng paggawa at may sahod sa mga pana-panahong pista opisyal.
Artikulo 25
Ang bawat tao'y may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at pagpapagamot.
Artikulo 26
Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon.
Artikulo 27
Ang bawat tao'y may karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan ng pamayanan, upang tamasahin ang mga sining at makihati sa mga kaunlaran sa siyensiya at sa mga pakinabang dito.
Artikulo 28
Ang bawat tao'y may karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig na ang mga karapatan at mga kalayaang itinakda sa Pahayag na ito ay ganap na maisasakatuparan.
Artikulo 29
Ang bawat tao'y may mga tungkulin sa pamayanan sa ikaaari lamang ng malaya at ganap na pagkaunlad ng kanyang pagkatao.
Artikulo 30
Walang bagay sa Pahayag na ito na mapapakahulugan ang nagbibigay sa alin mang Estado, pangkat o tao ng ano mang karapatang gumawa ng ano mang kilusan o magsagawa ng ano mang hakbang na naglalayong sirain ang nakalahad dito.
Para sa Dagdag kaalaman:
Ano ang UDHR: https://brainly.ph/question/1293602
Mga Organisasyon na may Pokus sa Human Rights: https://brainly.ph/question/1326457
Keywords: UDHR tagalog, un declaration of human rights tagalog
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.