Ang bansang Bhutan ay tinatawag na lupain ng kulog na dragon. Mayroon din ditong kinikilalang mga prinsipe at prinsesa at hari at reyna. Ang Bhutan ay matatagpuan sa kontinente ng Asya. Mayaman ito sa iba't ibang kultura at tradisyon. Iyon ang tila dahilan kung bakit hindi gaanong ginaganyak ang marami na magtungo doon upang tumaas ang turismo.