Una, dapat ang equation mo ay nasa slope-intercept form na:
y = mx + b
m= slope
b = y-intercept
Ang y-intercept ay ang value sa y-axis kung saan manggagaling ang slope mo,
Ang slope naman ay pataas/pababa tapos pakaliwa/pakanan (depende sa sign ng slope kung negative o positive) mula sa y - intercept
Halimbawa:
-3x + y = 6
Ayusing ang equation para sa slope-intercept form
- 3x + y = 6
y = 3x + 6
slope (m) = 3/1
y-intercept = 6
1. Hanapin ang 6 sa y-axis
2. Mula sa 6, humakbang ng 3 units pataas, tapos lumiko pakanan ng isang hakbang. Kung saan huminto, idugtong ng linya sa 6 (connect the points or dots)
3. I -extend ang linya na pinagdugtong at lagyan ng arrow ang magkabilang dulo.
Hayan may graph ka na ng -3x + 6 = 6 :-)