Ang katapatan ay pagiging totoo sa sarili mo at lalo na sa kapwa mo. Ito ay isa sa mga sangkap upang umunlad ang relasyon mo sa isang tao. Kasi hinding hindi ka paniniwalaan mo pag kakatiwalaan ng sinuman kung hindi ka tapat sa mga tao o kahit man yan sa sarili mo. Ang halimbawa nalang ng hindi pagiging tapat sa sarili ay pangongopya sa araw ng mga pag susulit. Makalusot ka man o hindi, maliit na bagay man yan o malaki, pag sisinungaling parin iyon. Ang katapatan ay napakahalaga sa mga mag kakaibigan lalo na sa mga may karelasyon. Dahil dito mo nakukuha ang pag titiwala ng mga taong nakapaligid sayo. Ang tiwala ay parang isang salamin. Nasisira. Maibalik mo man ito sa dati, hindi na ito mag mumukhang bago muli.