Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ang panghalip pamatlig ay isa sa uri ng panghalip na kung saan ito ay humahalili sa ngalan ng tao,bagay, at iba pang itinuturo inihihimaton. dahil din sa panghalip pamatlig ay nalalaman natin ang layo at lapit ng mga bagay na itinuturo.
Apat na uri ng pang halip pamatlig
- Pronominal
- Panawag pansin
- Tatulad
- Panlunan
- Mga halimbawa ng Pronominal
nito ay ito,nito, dito,
iyan,niyan, diyan
iyon noon,doon
- Mga halimbawa ng Panawag pansin
eto,heto
ayan o hayan
ayun o hayun
- Mga halimbawa ng Patulad
ganito (gay nito- ganito)
ganiyan o ganyan (gaya niyan-ganiyan o ganyan)
ganoon/gayon ( gaya noon- gaya noon- ganoon- gaya niyo- gayon
- Mga halimbawa ng panghalip panlunan
narini, nadini
narito, nandiyan
nariyan, nandiyan, naroon, nandoon
Ano nga ba nag panghalip?
Ang panghalip ay bahagi ng pananalita kung saan ito ay humahalili sa pangalan.
Mga uri ng Panghalip
- Panghalip panao
- Panghalip pamatlig
- Panghalip panaklaw
- Panghalip pananong
Buksan para sa karagdagang kaalaman
limang pangungusap na may panghalip pamatlig https://brainly.ph/question/240869
limang halimbawa ng pang halip pamatlig https://brainly.ph/question/104225
ano nga ba ang panghalip pamatlig? https://brainly.ph/question/436806
Ang mga panghalip ay may iba't ibang uri. Isa na sa mga uring ito ay ang panghalip pamatlig. Ang panghalip pamatlig ay ang uri ng panghalip na ginagamit upang magturo o magtukoy ng pook, bagay, tao o gawain. Ang ilan sa mga madalas na gamitin na panghalip pamatlig ay ang mga salitang doon, ganito, ito, at iba pa.
Ano ang ang mga Panghalip Pamatlig?
Ang mga panghalip pamatlig ay uri na panghalip. Ito ay ang mga salita na ginagamit upang magturo o magtukoy ng pook, bagay, tao o gawain.
Ano nga ba ang mga Panghalip?
- Kung matatandaan, ang mga panghalip ay mga salita na bahagi ng pananalita.
- Ang mga panghalip ay ginagamit na pampalit sa mga pangngalan upang hindi paulit-ulit ang mga pangngalang ito sa mga pangungusap.
- Anu-ano ang mga uri ng panghalip? https://brainly.ph/question/553986 at https://brainly.ph/question/250944
- Ano ang mga halimbawa ng panghalip?https://brainly.ph/question/298741
Mga Halimbawa ng mga Panghalip Pamatlig
Narito ang mga halimbawa ng mga panghalip pamatlig:
- Mga halimbawa ng panghalip pangatlig na ginagamit kapag ang tinuturo ay malapit sa taong nagsasalita o ginagamit ng taong nagsasalita: ito, dito, rito, heto, ganito, at iba pa.
- Mga halimbawa ng panghalip pangatlig na ginagamit kapag ang tinuturo ay malayo sa taong nagsasalita o ginagamit ng taong nagsasalita: iyon, doon, roon, ganoon, at iba pa.
- Mga halimbawa ng panghalip pangatlig na ginagamit kapag ang tinuturo ay malapit sa taong kinakausap o ginagamit ng taong kinakausap: iyan, diyan, riyan, ganyan, at iba pa.
Kailangan Tandaan tungkol sa Pagsisimula ng Panghalip Pamatlig sa Letrang "d" o Letrang "r"
- Ang mga panghalip pamatlig na nagsisimula sa letrang "d", kagaya ng "dito" at "doon", ay ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa w o y. Halimbawang pangungusap: Kumain dito ang aking kaklase.
- Sa kabilang bansa, ang mga panghalip pamatlig naman na nagsisimula sa letrang "r", kagaya ng "rito" at "roon", ay ginagamit kapag ang nauunang salita ay nagtatapos sa mga patinig, w o y. Halimbawang pangungusap: Nakatira sila roon.
Iyan ang mga detalye at kahulugan ng panghalip pamatlig.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.