Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.
Sagot :
ANG PAGMAMALABIS
Ang Pagmamalabis o Hyperbole ay isang tayutay na gumagamit ng eksaherasyon. Labis-labis ang pagpapasidhi ng damdamin, kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, damdamin, pangyayari, at iba pang kalagayan o katayuan. Ito ay nagpapakita ng kalabisan na imposibleng mangyari ang mga bagay.
Ano ang pagmamalabis: brainly.ph/question/414036
10 HALIMBAWA NG PAGMAMALABIS
1. Lumipad ang kaluluwa ni Jessa nang bigla siyang ginulat ni Manuel.
2. Abot langit ang pagmamahalan ng aking mga magulang.
3. Bumaha ng luha sa NAIA nang dumating ang labi ng kanilang kamag-anak na nagtrabaho bilang OFW.
4. Namuti ang mga mata ni Dexter sa kahihintay kay Ruby.
5. Kung hindi mo siya sasagutin, aabutin ka ng milyon-milyong taon bago magkaroon ng asawa.
6. Umulan ng pagpapala sa aming tahanan.
7. Narinig ng buong planeta ang pagsigaw ni Lira matapos niyang sugurin ang asawa.
8. Pasan ni Mara ang buong mundo subalit handa niyang gawin ang lahat para sa kaniyang pamilya.
9. Tumigil ang pag-inog ng mundo ni Jhon nang makitang may kasamang iba ang taong lihim na sinisinta.
10. Halos sumabog ang utak ko nang mabalitaan kong sinisiraan niya ako sa mga kaibigan niya.
MGA HALIMBAWA AT PALIWANAG NG PAGMAMALABIS
1. Lumipad ang kaluluwa ni Jessa nang bigla siyang ginulat ni Manuel.
• Ang kahulugan ng ‘lumipad ang kaluluwa’ ay nawala ang ulirat, nakaramdam ng biglang takot, o kaya’y biglang nataranta.
2. Abot langit ang pagmamahalan ng aking mga magulang.
• Ang ‘abot langit’ ay nangangahulugang walang katapusan. Habang nabubuhay ay handang iparamdam sa isa’t isa ang kanilang pagmamahalan.
3. Bumaha ng luha sa NAIA nang dumating ang labi ng kanilang kamag-anak na nagtrabaho bilang OFW.
• Labis ang lungkot at sakit na nararamdaman ng mga kaanak nang dumating ang labi ng mahal sa buhay mula sa ibang bansa. Hindi matanggap ang mga nangyari rito.
4. Namuti ang mga mata ni Dexter sa kahihintay kay Ruby.
• Ang pangungusap ay nangangahulugang napagod at nabagot sa kahihintay si Dexter dahil sa matagal dumating si Ruby na maaaring inabot ng ilang oras.
5. Kung hindi mo siya sasagutin, aabutin ka ng milyon-milyong taon bago magkaroon ng asawa.
• Ang ‘milyon-milyong taon bago magkaroon ng asawa’ at nangangahulugang matagal magka-asawa.
6. Umulan ng pagpapala sa aming tahanan.
• May magandang nangyari sa loob ng tahanan na hindi inaasahan, masaya at kontento ang pamilya, o kaya’y may kamag-anak na dumating galing sa ibang bansa at maraming dalang pasalubong.
7. Narinig ng buong planeta ang pagsigaw ni Lira matapos niyang sugurin ang asawa.
• Ang pangungusap ay nangangahulugang malakas ang pagsigaw na Lira dahil sa labis na galit na nararamdaman dito.
8. Pasan ni Mara ang buong mundo subalit handa niyang gawin ang lahat para sa kaniyang pamilya.
• Ang ibig sabihin ng ‘pasan ang buong mundo’ ay nangangahulugang maraming problema ngunit sa kabila nito’y wala siyang hindi kayang gawin para sa mga taong mahal niya.
9. Tumigil ang pag-inog ng mundo ni Jhon nang makitang may kasamang iba ang taong lihim na sinisinta.
• Ang pangungusap ay nangangahulugang natulala at hindi makapaniwala. Maaari ring hindi matanggap ang mga nakita at nasaksihan.
10. Halos sumabog ang utak ko nang mabalitaan kong sinisiraan niya ako sa mga kaibigan niya.
• Ang persona sa pangungusap ay galit na galit o namumuhi.
Tayutay at ang uri nito:
brainly.ph/question/2265271
brainly.ph/question/190525
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.