Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ambag ng kabihasnang indus at panahong vedic at kapakinabangan ngayon


Sagot :

Ang Kabihasnang Indus at Panahon ng Vedic

Nakilala ang Kabihasnang Indus dahil sa mga sumusunod:

  1. Paggawa ng mga plano ng mga istraktura sa mga urbanong lugar
  2. Paggawa ng mga bahay sa laryong putik
  3. Sistema ng palikuran
  4. Suplay ng tubig
  5. Mga Produktong gawa sa kamay
  6. Pagbuo ng sistema ng panukat ng timbang, haba at iba pa
  7. Sistema sa transportasyon na may gulong para sa kalakalan

Nakilala naman ang Panahong Vedic dahil sa sistema ng panulat nito.

Ang Pag-iral ng Kabihasanang Indus

Ang Kabihasnang Indus ay ang matatagpuan sa paligid ng Ilog Indus. Ito ay umiral sa Panahong Bronse sa Hilagang-Kanlurang rehiyon ng Timog-Asya noong 3300 hanggang 1300 BCE. Nakapagtala na ng halos 5 milyong tao sa kabihasnang ito. Kasabayan nitong umiral ang Ehipto at Mesopotamia. Bahagi ito ngayon ng:

  • Hilagang-Silangan ng Afganistan
  • Pakistan
  • India

Tingnan ang detalye tungkol sa pamahalaang umiral sa kabihasnang Indus sa https://brainly.ph/question/1642654.

Ang Pag-iral ng Panahong Vedic

Ang Panahong Vedic ay ay umiral noong magtatapos ang kabihasnang Indus malamang noong 1500 hanggang 500 BCE. Ang pangalan nito ay nagmula sa Vedas. Ito ay ang makasaysayang aklat na ginamit noon ng  mga tao at naging maimpluwensya sa buong daigdig.  Mahalaga ang mga natagpuang mga kagamitan at mga dokumento sa panahong ito at laging ma kinalaman sa impormasyong Vedas.

Ano ang Vedas? Basahin ito ng higit sa https://brainly.ph/question/65220.

Ano ang apat na bahagi ng Vedas? Basahin sa https://brainly.ph/question/712815.