Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

ano ang konsepto tungkol sa pagkakaibigan ang natutuhan mo mula sa kaniya/kanila?

Sagot :

Answer:

Pagkakaibigan

Ang pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng dalawa o mahigit pang tao na hindi nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao.

Marami akong natutunan tungkol sa konsepto ng pagkakaibigan mula sa kaniya/kanila at ito ay ang mabuti at masamang epekto ng pakikipagkaibigan katulad ng;

Mabuting Epekto ng Pagkakaibigan

  • Nagkakaroon ng masasandalan at matatakbuhan sa mga oras ng pangangailangan.  
  • Nakatutulong sa atin upang mas mahubog pa ang ating pagkatao.  
  • Maari tayong makatagpo at maityuring na para nating totoong mga kapatid.
  • Nakakatulong sa ating pag-aaral, dahil maari tayong magtanong sa mga aralin na hindi natin lubos maunawaan.
  • May nasasabihan ng ating mga problema at nagpapagaan ng ating mga kalooban.
  • May nagbibigay ng pangaral kapag nakagagawa tayo ng kamalian.
  • Nakatutulong ang mga kaibigan upang maging isang mabuting tao.

Masamang Epekto ng Pagkakaibigan

  • Kung minsan, may mga pagkakataong nagkakaroon ng away ang magkakaibigan dahil sa hindi pagkakaunawaan o pagkakainitndihan.
  • Maaring makahadlang rin sa pag-aaral dahil minsan mas napagtutuunan ng pansin ang barkada o mga kaibigan at hindi na nabibigyang halaga ang pag-aaral.
  • May mga kaibigan na nakakaimpluwensiya sa mga bisyo tulad ng pag-iinom at paninigarilyo.
  • Minsan dahil sa pagkakaibigan o barkada may mga taong nagagawan ng mali dahil nauutusan lamang.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba:

Kahalagahan ng Kaibigan: brainly.ph/question/985321

Kahalagahan ng Pagkakaibigan: brainly.ph/question/909286

#BetterWithBrainly