Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Halimbawa Ng Payak Na Pangungusap
Ang payak na pangungusap ay nagtataglay lamang ng isang pangungusap. Narito ang limang halimbawa:
- Matulungin na bata si Gabriel.
- Ang mga bata ay hindi pinapayagan lumabas ng bahay.
- Sina Lolo at Lola ay bibisita sa bahay sa darating na Linggo.
- Si Lesley ay isang matalino at masipag na mag-aaral.
- Ang pagsisinungaling ay hindi mabuting gawain.
Mga Anyo Ng Payak Na Pangungusap
Ang payak na pangungusap ay isa sa mga uri ng pangungusap. Ito ay may tatlong anyo, PS - PP, PS - TP at TS - PP. Ang PS - PP ay nangangahulugang payak na simuno at payak na panaguri. Ang PS - TP naman ay nagtataglay ng payak na simuno at tambalang panaguri. At ang huli, ang TS - PP ay nagtataglay ng tambalang simuno at payak na panaguri.
Ang mga payak na pangungusap na nasa bilang 1, 2 at 5 ay halimbawa ng anyong PS - PP. Ang bilang 4 ay halimbawa ng PS - TP. At ang bilang 3 naman ay halimbawa ng TS - PP.
Kung nais malaman ang iba pang uri ng pangungusap, bisitahin ang mga links.
Mga Halimbawa ng Tambalang Pangungusap:
https://brainly.ph/question/283778
Mga Halimbawa ng Hugnayang Pangungusap:
https://brainly.ph/question/216880
#LearnWithBrainly
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.