Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Paggalang sa Magulang:
Ang paggalang sa magulang ay maipapakita sa pamamagitan ng:
- pagkilala sa mga hangganan o limitasyon
- paggalang sa kanilang mga kagamitan
- pagtupad sa itinakdang oras
- pagiging maaalalahanin
- pagiging mapagmalasakit at mapagmahal
Ang pagkilala sa mga hangganan o limitasyon ay ang hindi pag - aabuso sa hangganang itinakda ng magulang. Ito rin ay paghingi ng permiso sa mga bagay na nais gawin kung saan ang pagiging pribado ng mga magulang at maaaring maapektuhan.
Ang paggalang sa mga kagamitan ng mga magulang ay maipapakita sa pamamagitan ng pag - iingat sa mga bagay na ginamit o hiniram.
Ang pagtupad sa itinakdang oras ay maipapakita sa pamamagitan ng pag - uwi ng maaga at hindi paglalakwatsa.
Ang pagiging maaalalahanin ay maipapakita sa pamamagitan ng pag - alala sa mga mahahalagang okasyon na may kinalaman sa kanila tulad ng kaarawan at anibersaryo.
Ang pagiging mapagmalasakit at mapagmahal ay maipapakita sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga magagalang na pananalita at pakikinig sa kanilang mga payo.
Keywords: paggalang, magulang
Kahulugan ng Paggalang: https://brainly.ph/question/2765256
#BetterWithBrainly
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!