Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Mula sa salitang Griyego na mesos, ibig sabihin “middle,” at lithos na ibig sabihin ay “bato”. Ito ay panahong sumasaklaw sa pagitan ng Paleolitiko at Neolitikong panahon ng Stone Age. Ang terminong epipaleolitiko ay minsang gingamit para tumukoy din sa panahong ito sa labas ng Hilagang Europa. Madalang lang gamitin ang terminong Mesolitiko sa bandang Silangan, at sa gawing hindi lalampas sa Eurasia at Hilagang Africa. Naganap ito sa iba’t-ibang panahon sa iba’t-ibang lugar.
Sa panahong Paleolitiko, ang mga tao ay mga mangangaso at namumulot lamang ng mga bagay bagay. Noong panahong Neolitiko, ang mga tao ay nagsasaka, at nag-aalaga ng mga hayop. Ang mga kagamitan noong panahong mesolitiko ay karaniwan ng mga gawa sa tinapyas o tinabas na bato na ginagamit ng mga mangangaso. Halimbawa ay ang mga ulo ng suligi. Samantala ang mga kagamitan noong panahong Neolitiko, ay karaniwan nang kininis na mga bato.
Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/77609
https://brainly.ph/question/422222
https://brainly.ph/question/48788
https://brainly.ph/question/51457
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.