Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.
Sagot :
Answer:
Bakit mahalaga ang pagtulong ng walang hinihinging kapalit?
Bilang mga taong may Diyos na pinaniniwalaan, mahalaga ang paggawa ng mga kabutihan sa kapwa tao. Pagdamay sa mga nalulungkot, pagpawi sa mga iyak, pagtulong sa nangangailangan at marami pang mga gawain na nagpapakita ng kabutihan sa kapwa.
Sa ating panahon ngayon, marami ang mga taong nangangailangan ng tulong. Halimbawa na lamang ang mga residente sa Mindanao na tinamaan ng magkakasunod na mga lindol at ang mga residenteng apektado sa pumutok na bulkang taal kamakailan lamang.
Ngunit ano ba ang kaugnayan ng ating paniniwala sa gawain na tulad ng pagtulong? Isa lamang, ang ating paniniwala ang nag-uudyok sa atin upang hindi lamang basta tumulong, kung hindi ay tumulong ng bukal sa loob at higit sa lahat tumulong ng walang hinihinging kapalit. Napakahalaga ng gawaing pagtulong hindi lamang sa ating sarili kung hindi ay pati rin sa ating paniniwala.
Kapag tayo ay tumutulong ng walang hinihinging kapalit kasisiyahan tayo ng mga taong tinulungan natin. Maging ang mga taong malapit sa atin ay masisiyahan. Alam naman natin na kapag ang mga tao ay nasisiyahan sa isang tao, ay mabilis itong makakalapit sa oras ng kagipitan at pangangailangan, hindi lamang sa materyal kung hindi ay maging sa emosyonal at sikolohikal na pangangailangan.
Samantala, kapag naman ay tumutulong tayo ng walang hinihingio hinihintay na kapalit, maliban sa kasiyahang nabibigay sa sarili at sa ibang tao, ay nabibigyan din natin ng kasiyahan ang Poong Maykapal.
Kaya naman, walang dalawang pag-iisip ay masasabi talaga natin na napakahalaga ng pagtulong ng walang hinihingi o hinihintay na kapalit, hindi lamang sa sarili, sa kapwa tao, maging sa pagpapatatag at pagpapatibay ng ating relasyon.
#LearnWithBrainly
__________
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang sumusunod na mga links:
Dahilan ng paggawa ng kabutihan
https://brainly.ph/question/295217
Ang pagiging mabuti ang humuhubog sa espiritwalidad ng tao.
https://brainly.ph/question/2567415
Isang tula tungkol sa paggawa ng kabutihan
https://brainly.ph/question/2004049
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.