IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Callao Man

Sagot :

Mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas at ng mundo ang kalansay ng Callao man dahil ito ang nagpapatunay na may mga sinaunang tao na nakatira sa Pilipinas noon pa man Late Pleistocen period.

Ang mga labi (remains) ng Callao man ay matatagpuan sa Callao Cave sa Cagayan Province. Ang pagkakadiskubre nito ay nagbukas ng bagong kaalaman na ang mga Pilipino ay may sariling ninuno na naninirahan sa Pilipinas at na maaring hindi galing sa mga dayuhang Indones o Malay ang mga sinaunang Pilipino.

Ang Callao man ay binigyan ng siyentipikong pangalan na Homo luzonensis. Ito ay ibang uri o lahi sa Homo sapiens, Homo erectus, Homo floresiensis, Australophitecus, at Neanderthals. Ayon sa pag-aaral, ang Homo luzonensis ay kasabayang umiral ng mga Homo sapiens at may pagkakatulad sa Homo floresiensis na natagpuan sa Indonesia. Ang Callao man o Homo luzonensis ay maliliit na tao lamang, may taglay na karunungan dahil sa mga gamit na nahukay sa Callao, ngunit sila ay extinct o hindi na umiiral sa ngayon.

Sana ay nakatulong ang sagot ko na ito. Sa panahong ngayon, mahalagang magtulungan tayong mga estudyante sa pag-aaral upang lahat tayo ay makinabang at matuto. Sana ay makatulong ka rin sa iba sa pagbibigay ng tama at magalang na mga sagot.

Alam mo ba na pwede  mong gamitin ang hashtag na #CARRYOLEARNING sa iyong mga sagot? Tuwing gagamitin mo ang hashtag na ito, nagdodonate ang Brainly ng piso upang makatulong sa ating mga doctor at nars dito sa Pilipinas sa paggagamot ng mga pasyenteng may COVID-19.